-- Advertisements --

Sinimulan na ni Chinese President Xi Jinping ang kaniyang anim na araw na European Tour.

Unang tinungo ng Chinese President ang Italy.

Layon ng nasabing pagbisita nito ay para mapabuti ang relasyon ng China sa mga bansa sa Europa.

Ang nasabing pagdating nito sa Italy ay hindi na kasing init ng pagtanggap sa kaniya noong nakaraang limang taon.

Kasunod ito sa naging paglunsad ng European Union ng imbestigasyon sa wind turbines ng China at pagbili ng mga medical equipment at ang sinalakay na opisina ng Chinese Security equipment maker na Nuctech.

Nakatakdang makipagpulong ang Chinese President kay French President Emmanuel Macron at European Commission President Ursula von der Leyen.

Matapos ang pagbisita nito sa France ay magtutungo ito sa Serbia at Hungary.