-- Advertisements --
image

Pumukaw ng iba’t ibang reaksyon ang suot na relo ni President Bongbong Marcos nitong inagurasyon niya.

Hindi daw kasi basta basta mabibili ang soot na Patek Philippe Nautilus 5980R-001 dahil sa mahal na ito ay kakaunti lamang ang ginawang ganito.

Ayon sa website na Watch Charts ay aabot sa US$170,313 o may katumbas na P9.38-M ang halaga ngayon ng nasabing relo na suot ng pangulo.

Ngunit nang saliksikin ito ng Bombo Radyo Philippines sa ibang sources, iba’t-ibang nagmamahalang presyo ng nasabing relo ang ang naglabasan.

May ilang pumapalo sa P3.8 milyon ang halaga, sa iba naman ay nasa P12.2 milyon, habang mayroon pa nga na umaabot pa sa mahigit P28 milyon ang presyo.

Samantala, sa ngayon ay wala pang pahayag si Marcos tungkol sa kung magkano niya nga ba talaga nabili ang kanyang relo o kaya kung ito ay regalo at.