-- Advertisements --
viber image 2023 07 10 02 50 39 818

Wagi at napabagsak ng World no. 1 Poland ang local crowd favorite na Japan na may score na 25-17, 25-19, 25-18, para tapusin ang Philippine leg ng 2023 Men’s Volleyball Nations League (VNL) dito sa bansa.

Nakapagtala si Wilfredo Leon Venero ng 16 puntos mula sa 10 atake, three aces, at three block, habang sina Lukasz Kaczmarek at Aleksander Sliwka ay may 12 at 11 puntos, habang ang Poland ay umabante sa 10-2, na ngayon ay tabla na sa bansang Japan.

Nanguna sa Japan si Tatsunori Otsuka na may 11 puntos, habang may siyam na puntos si Yuji Nishida.

Una rito, tinalo ng Canada ang China sa puntos na 23-25, 25-21, 25-17, 25-18, habang pinabagsak naman ng Slovenia ang Netherlands sa puntos na 25-20, 32-30, 25-22.

Ayon kay Philippine National Volleyball Federation Ramon “Tats” Suzara, Inaasahang babalik sa Pilipinas ang Volleyball Nations League sa susunod na taon.

Pagkatapos ng week 3 ng Volleyball Nations League na nakatakdang magtapos sa Hulyo 10, ang quarterfinals ng men’s games ay magsisimula sa Hulyo 19.