-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Pinaaalalahanan ng Hinatuan-local government unit (LGU) ang lahat ng mga bisita at turista na makakapasok lamang sila sa mga establishment sa kanilang bayan kung may certificate o kaya’y authority to operate at nagpapatupad ng mga protocols laban sa coronavirus.

Ito’y matapos binuksan na para sa mga turista ang world-class tourist destination sa bayan ng Hinatuan, Surigao del Sur, ang Enchanted River.

Base sa inilabas na advisory ng lokal na pamahalaan ng Hinatuan, tatanggap na sila ng mga bisita at lokal na turista na mula pa sa iba’t ibang lalawigan ng Caraga.

Maaari nang makapasok hindi lamang sa Enchanted River ngunit pati na sa iba pang mga tourism sites ng nasabing bayan.

Pinayagan na rin ng LGU ang staycation o overnight stay lamang sa mga accommodation establishments na tumatalima sa Administrative Order No. 2020-002 dahil sila lang ang pinahihintulutang magpapatuloy sa limitadong operasyon habang ipinapatupad ang modified general community quarantine.