Binigyang diin ng Department of Justice ang pangangailangan ng whole -of- government approach para mapangasiwaang mabuti ang mga Philippine Offshore Gaming Operators sa bansa.
Ayon kay Justice Usec. Undersecretary Raul T. Vasquez, kailangan ikonsidera at silipin ng gobyerno ang mga negatibo at positibong dulot nito sa mga komunidad at sa bansa bilang kabuuan.
Ginawa ng opisyal ang natirang rekomindasyon matapos ang sunod -sunod na operasyon ng pamahalaan sa mga ilegal POGOs na nag ooperate sa bansa.
Ito ay dahil na rin sa pagkakasangkot ng ilan sa mga ito sa kaso ng human trafficking, prostitution, kidnapping, cyber scams at iba pang ilegal na aktibidad.
Ayon kay Vasquez, panahon na para seryosohin ito ng ating gobyerno dahil na rin sa posibleng maging epekto nito sa national security at public safety.
Tiniyak naman ng ahensya na patuloy ang kanilang mga ginagawang hakbang upang silipin ang isyu ng POGO sa bansa.
Pinaalalahanan rin nito ang mga foreigners na nagtatrabaho sa mga POGO na ang kanilang pananatili sa bansa ay isang pribilehiyo at asahan na nito ang mga mahigpit na pagpapatupad ng mga awtoridad ng batas sa Pilipinas.