ILOILO CITY – Nagkasundo ang World Health Organization, Qatar at FIFA sa pagsulong sa kalusugan sa World Cup Qatar 2022.
Ayon kay Bombo International Correspondent Kathleen Bico Comia, nakipagpulong si WHO Director General Dr Tedros Ghebreyesus, Qatar Ministry of Public Health, FIFA at Supreme Committee for Delivery & Legacy para sa pinakaunang Steering Committee meeting kung saan tema ang “Healthy FIFA World Cup Qatar 2022 Creating Legacy for Sport and Health.”
Anya, kabilang sa mga napagkasunduan ay ang pagpapatupad ng pag-iingat, pagsugpo sa hawaan ng COVID-19 at pagbibigay ng mga masustansyang pagkain sa stadiums at fan zones.
Napagkasunduan rin ng Steering Committee leaders ang pagbabawal sa tobacco sa lugar na pagdarausan ng World Cup.
Ngunit papayagan anya ang pagbebenta ng alcoholic drinks sa mga hotels at restaurants sa lalo na sa mga foreign visitors.