-- Advertisements --

Pinuri nang World Health Organization (WHO) ang hakbang na ipinatupad ng mga European Union (EU) countries para labanan ang coronavirus disease o COVID-19.

Sinabi ni WHO Regional Director of Europe Hans Kluge, naging maagap ang mga bansa sa Britanya lalo na sa social distancing.

Gayundin ang ginawa ng mga bansa na magtulungan.

Sinabi nito na dahil naging epicenter ang Europe ay inaasahan na mas matinding hakbang ang ipapatupad.

Magugunitang nagsagawa ng lockdowns ang Italy, Spain, France, Germany at ilan pang mga bansa para hindi na dumami pa ang bilang ng mga nadadapuan ng deadly virus.