-- Advertisements --

Patuloy ang babala ng World Health Organization (WHO) na may mga ibang mga variant pa ng COVID-19 ang lilitaw kapag patuloy ang pagkakaroon ng hindi pantay na pamamahagi ng bakuna.

Sinabi ni WHO chief Dr. Tedros Adhanom Ghebreyesus na noon pa man ay kanilang binalaan ang mga mahihirap na bansa na sila ang labis na maapektuhan dahil sa kakulangan ng bakuna dahil sa karamihan aniya ng mga bakuna ay napupunta sa mga G20 members.

Inihalaimbawa nito na mayroon lamang 0.6% ng lahat ng COVID-19 vaccines ang napunta karamihan sa Africa.

Aabot pa sa 103 bansa ang hindi pa naabot ang 40% ng mga vaccination target dahil sa kulang sa pagkukuhanan ng mga bakuna.