-- Advertisements --

Binatikos ni Bise Presidente Sara Duterte ang Office of the President of the Philippines dahil sa umano’y late na paglalabas ng kanyang travel authority, na aniya’y nakaapekto sa kanyang biyahe.

Ayon kay Duterte, nagdulot ng pag-aalinlangan kung papayagan siyang bumiyahe kaya’t binago niya ang travel plans. Kinumpirma ng Malacañang na inaprubahan ang kanyang travel authority noong Abril 22 para sa paglalakbay sa ilang bansa.

Hiniling niya sa Palasyo na mas maagap na iproseso ang mga susunod na travel request upang maiwasan ang aberya sa preparasyon. Dagdag niya, mahalaga rin ang maayos na paghawak sa sensitibong dokumento.

Ang isyu ay kasabay ng impeachment hearings laban sa kanya sa Kamara at ng hiwalay na desisyon ng International Criminal Court kaugnay ng kaso ng kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte. (report by Bombo Jai)