-- Advertisements --
Maagang inaalerto ng Pagasa ang mga residente ng Central Visayas, Eastern Visayas at Caraga region dahil sa mga pag-ulan at bahang maaaring idulot ng bagyong Auring.
Ayon sa Pagasa, kaninang umaga lamang ay nakapasok na ang nasabing sama ng panahon sa Philippine area of responsibility (PAR).
Huli itong namataan sa layong 900 km sa silangan timog silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Kumikilos ito nang pakanluran timog kanluran sa bilis na 20 kph.
Taglay ngayon ng tropical depression Auring ang maximum sustained winds na 45 kph at gustiness na 55 kph.