-- Advertisements --

Nakatakdang maging pinakamatandang US Opoen singles player sa edad na 45 si Venus Williams.

Ito ay matapos na masama siya sa wild card matches ng US Open na magsisimula sa susunod na linggo.

Noong Hulyo ng manumbalik ito sa paglalaro sa Washington Open matapos ang 16 na buwan na hindi paglalaro kung saan umabot lamang siya ng ikalawang round.

Nakatakda rin siyang maglaro ng doubles sa US Open kasama si Reilly Opelka ng US.

Dalawang beses ng nagkampeon si Williams sa US Open na ang una ay noong 2000 at pangalawa ay noong 2001.

Taong 1981 ng makuha ni Renee Richards ang pinakamatandang US Open singles player sa edad na 47.