-- Advertisements --
Inulan ng pagbati si Valerie Concepcion ngayong certified husband and wife na sila ng non-showbiz boyfriend na si Francis Sunga.
Ito’y kasunod ng kanilang intimate garden wedding kahapon, December 28, sa The Hills sa Silang, Cavite.
Kabilang sa mga wedding guest ay ang malapit na kaibigan ni Valerie sa showbiz, ang mag-asawang Marco Alcaraz at Lara Quigaman.
Noong nakaraang taon nang maging engaged ang 31-year-old actress sa kanyang Guam-based boyfriend.
Si Concepcion ay mayroon nang anak na ngayon ay 14-anyos na, mula sa kanyang una at dating kasintahan.