-- Advertisements --

ILOILO CITY – Bibigyan ng pagkilala at parangal ng Antique Provincial Government ang Valedictorian sang Philippine Military Academy (PMA) Bagsik Diwa Class of 2022 na si Cadet First Class Krystlenn Ivany Quemado.

Napag-alaman na ang ama ni Cadet First Class Quemado na si Nicholas Quemado Jr. na Inspector General ng Philippine Army at miyembro ng PMA Class of 1993 ang tubong Sitio Pajo, Caridad, Hamtic, Antique.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Cadiao, sinabi nito na labis nila na ipinagmamalaki ang pangunguna ni Cadet First Class Quemado sa PMA na male dominated institution.

Anya napatunayan ni Cadet First Class Quemado na kayang mangibabaw ng mga Antiqueña sa PMA.

Sa darating naman na Disyembre, iimbitahan anya nila si Cadet First Class Quemado upang dumalo sa Bugal Kang Antique (Pride of Antique).