-- Advertisements --
Nanawagan si US Senator Jeff Merkly sa Biden administration na mas palawakin at magkonsedera pa ng ibang ruta sa pagpapaabot ng kakailanganing suplay sa mga apektadong tao sa Gaza.
Bukod sa airdropping na isinagawa ng US military, suhestiyon ng US Senator na gumamit pa ng ibang ruta at dumaan din mismo sa mga lupain at karagatan upang maipadala ang mga ibibigay na suplay.
Ayon sa kaniyang online post, naniniwala ang Senador na ang pagdadagdag nito ay makakatulong umano upang mas marami pang biktima ang matulungan sa kinahaharap na krisis na ito.
Kasabay ng pagmumungkahi niya ng ‘ceasefire’ patuloy rin umano siyang mananawagan sa malawakang tulong sa pagkain, medisina, at iba pang mahahalagang suplay para sa mga tao sa Gaza.