Inanunsiyo ni US Senate Minority Leader Mitch McConnell na ito ay magbibitiw bilang Republican leader sa Nobyembre.
Sinabi ng Kentuck Republican Senator nais niyang magkaroon ng bagong henerasyo ng pamumuno sa US Senate.
Ang 82-anyos na senador ay naging pinakamatagal na Senate party leader sa kasaysayan ng US.
Noong nakaraang buwan ay nagkaroon ng hindi magandang pakikitungo na ito sa Republican party presidential front-runner na si dating US President Donald Trump.
Mahigit tatlong taon aniya na hindi sila nag-uusap ng dating pangulo dahil sa magkakaibang mga pananaw sa usaping pampulitika.
Naging usapin noong nakaraang mga buwan ang kaniyang kalusugan kung saan nakaranas ito ng freeze up o ang matagal ng pagkatulala habang tinatanong ito sa isang interview.