-- Advertisements --
Inanunsiyo ng US na magbibigay sila ng dagdag na $300 milyon na military aid sa Ukraine.
Kinumpirma ito ni National security adviser Jake Sullivan kahit na nagbababala ang mga mambabatas sa US dahil sa kakulangan ng pondo.
Sinabi pa nito na nagkukulang na ng mga armas at bala ang Ukraine sa paglaban nito sa Russia kaya mahalaga na mabigyan sila ng dagdag na mlitary aide.
Ang nasabing pondo aniya ay mula sa saving ng Defense Department ng US.
Mahalaga ang nasabing pondop ara sa pambili ng mga anti-aircraft missiles, anti-armor systems, mga bala at iba pa.
Huling nag-anunsiyo ang US ng aid package sa Ukraine ay noon pang Disyembre kung saan ito ay hinarang ng ilang mga mambabatas dahil mahalaga na gamitin na lamang ang pondo sa border funding.