-- Advertisements --

Itinuturing na ng US bilang foreign terrorist organizations si Venezuelan President Nicolás Maduro at mga kaalyado nito sa gobyerno.

Sa mga susunod din na araw ay inihahanda na ni US President Donald Trump ang mabigat na sanctions na kakaharapin ng pangulo ng Venezuela.

Mariing kinontra naman ni Maduro ang hakbang na ito ng US kung saan pinabulaanan niya na sangkot siya sa pagkalat ng iligal na droga sa US.

Magugunitang ilang mga airstrike ang ginawa ng US sa mga bangka na galing sa Venezuela na planong magdala ng iligal na droga sa US.