Inanunsyo ni U.S. President Donald Trump nitong Lunes (araw sa Amerika) na lumagda na ang Estados Unidos at Iran sa isang memorandum of understanding na layuning wakasan ang patuloy na tensyon sa Gulf region at muling buksan ang Strait of Hormuz.
Ayon kay Trump, “The deal’s all signed,” habang nasa G7 summit sa France. Dagdag pa niya, bahagyang muling nabuksan na ang daluyan ng langis na ilang buwan din umanong naapektuhan ng blockade na nagdulot ng global economic disruption.
Nakatakda namang gawing ang special ceremony sa Geneva sa Biyernes habang inaasahang ilalabas sa publiko ang buong detalye ng kasunduan sa mga susunod na araw.
Gayunpaman, agad itong sinita ng mga kritiko ng Estados Unidos kung saan nanagawan si Senate Democratic leader Chuck Schumer na isa-publiko na ang buong nilalaman ng kasunduan at ipaliwanag kung ano ang tunay na kapalit ng naturang deal kabilang ang epekto nito sa seguridad ng Amerika.
Kasabay ng pag-pirma sa kasunduan iniulat na bumagsak ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado dahil sa pag-asa na matatapos na ang krisis sa suplay, habang tumaas naman ang mga stock market indices.
Bukod sa pagbubukas ng Strait of Hormuz, iniulat din na kasama rin sa kasunduan ang pagpapatupad ng 60-araw na ceasefire para sa negosasyon hinggil sa mas malalaking isyu, kabilang ang nuclear program ng Iran at posibleng pag-aalis ng mga sanction.
Magugunitang una nang sinab ng ilang opisyal ng U.S. na maaaring magkaroon ng malalaking economic benefits para sa Iran ang kasunduan, ngunit kapalit nito ang mga kondisyon na hindi ito dapat bumuo ng nuclear weapon.
Samantala, nagpatuloy pa rin ang tensyon sa rehiyon, lalo na sa Lebanon, kung saan nagpapatuloy ang bakbakan ng Israel at Hezbollah. Iniulat din ang panibagong drone strike sa southern Lebanon ilang oras matapos ianunsyo ang kasunduan.
Wala pang opisyal na pahayag ang Israel tungkol sa naturang kasunduan, ngunit ayon sa ilang opisyal ng bansa na hindi nila ikinatuwa ang naturang kasunduan.
















