-- Advertisements --
Magsasagawa ang South Korea at US ng malakihang air-drills sa mga susunod na araw.
Ayon sa Opisyal ng South Korea na magsisimula ang nasabing drills mula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 4.
Kabilang na gagamitin dito ay ang 140 warplanes ng South Korean Air Forces kasama ang F-35 A, F-14 at KF-16 fighters.
Habang plano naman na mag-deploy ng nasa 100 na eroplano kabilang ang F-35B stealth fighters na nakabase sa American base sa Japan.
Ang nasabing military drills ay naiplano na dahil sa patuloy na pagpapalipad ng North Korea ng kanlang ballistic missiles.
Nagkasundo na kasi sina South Korea Presidents Yoon Suk-yeol at US President Joe Biden noong Mayo na magsagawa ng air-drills.