Ibinunyag ng United Nations agency for Palestinian refugees na napatay ng mga Israeli forces ang isang staff nila at sugatan ang 22 iba pa.
Naganap ang insidente habang nagsasagawa sila ng food distribution center sa Rafaha ng Southern Gaza Strip.
Sinabi ni UNRWA chief Philippe Lazzarini, binabalewala na ng Israel ang mga international.
Iniulat naman ng Hamas-run health ministry na nagsagawa ng airstrike ang Israel na ikinasawi ng limang katao.
Ang Rafah ay siyang lugar na tinakbuhan ng nasa 1.4 milyon na Palestino matapos ang pinaigting na military operations ng Israel.
Mula ng magsimula ang labanan ng Israel at Hamas sa Gaza ay pumalo na sa mahigit 31,200 katao ang nasawi.
Magugunitang nagpasya ang US na maglagay ng temporaryong pantalan para may madaanan ang mga barko na may dalang mga tulong na pagkain sa mga naapektuhan ng kaguluhan sa Gaza.