-- Advertisements --

Ikinabahala ng United Nations Relief and Works Agency for Palestine Refugees ang paghihigpit na isinasagawa ng Israel.

Sinabi ni Phillippe Lazzarini, ang namumuno ng UNRWA, na hindi nila pinayagang makapasok sa Gaza ang isang truck na puno ng mga pagkain at mga gamot dahil nakitaan ito na may laman na medical scissors o gunting.

Ang nasabing mga gunting aniya ay panibagong gamit na idinagdag na ipinagbabawal na ipasok sa Gaza.

Una ng ipinagbawalang makapasok ay ang mga solar lights, anesthetics, oxygen cylinders and ventilators, water cleansing tablets, cancer medicines at maternity kits.

Dagdag pa nito na maraming mga residente ng Gaza ang labis na umaasa sa humanitarian assistance para sila ay mabuhay.