-- Advertisements --
image 65

Natagpuang wala ng buhay ang umano’y driver ng gray na AUV na nagdala sa bangkay ng hazing victim na si John Matthew Salilig bago ito ilibing sa probinsiya ng Cavite.

Hindi na tinukoy ng Biñan police ang naturang miyembro ng fraternity bilang paggalang sa nagdadalamhati nitong pamilya sa kanyang pagkamatay.

Dagdag dito, ang umano’y driver ay nagsuicide at natagpuang patay sa lungsod ng Taguig.

Nasa kustodiya na ngayon ng pulisya ang kulay gray na AUV at ang asul na sasakyang SUV na unang ginamit sa pagbibiyahe kay Salilig pagkatapos ng initiation rights nito sa Laguna.

Nakatakdang dumalo sa inquest proceedings sa darating na Sabado ang 23-anyos na suspek na si Daniel Perry, na umano’y naglibing sa biktima at master initiator ng nasabing initiation rights.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng pulisya ang pito sa 15 suspek na sangkot sa pagkamatay ng estudyante ng Adamson University na John Matthew Salilig.

Haharap sila sa isang paunang imbestigasyon sa harap ng Department of Justice sa darating na Biyernes, Marso 10.