Lumakas pa ang bagyong Ulysses sa nakalipas na mga oras, habang nasa silangang bahagi ng Luzon.
Ayon sa Pagasa, umakyat na ito sa typhoon category at posibleng madagdagan pa ang puwersa bago ang landfall sa Quezon province.
Huli itong namataan sa layong 100 km sa hilaga ng Virac, Catanduanes.
Kumikilos ito nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 20 kph.
May taglay itong lakas ng hangin na 125 kph at may pagbugsong 155 kph.
SIGNAL NO. 3:
Southern portion ng Aurora, southern portion ng Nueva Ecija, eastern portion ng Pampanga, Bulacan, Metro Manila, Cavite, Laguna, Rizal, northern at central portions ng Quezon, kabilang na ang Polillo Islands, Catanduanes, Camarines Norte at northern portion of Camarines Sur
SIGNAL NO. 2:
Central at southern portions ng Quirino, central at southern portions ng Nueva Vizcaya, southern portion ng Benguet, southern portion ng La Union, Pangasinan, Zambales, Bataan, Tarlac, nalalabing lugar sa Pampanga, iba pang parte ng Nueva Ecija, nalalabing bahagi ng Aurora, Batangas, iba pang lugar sa Quezon, Marinduque, northern portion ng Occidental Mindoro, kasama ang Lubang Island, northern portion ng Oriental Mindoro, natitirang parte ng Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Burias at Ticao Islands
SIGNAL NO. 1:
Isabela, natitirang bahagi ng Quirino, nalalabing parte ng Nueva Vizcaya, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, iba pang lugar sa Benguet, Abra, Ilocos Sur, natitirang bahagi ng La Union, nalalabing bahagi ng Occidental Mindoro, natitirang parte ng Oriental Mindoro, Romblon, iba pang lugar sa Masbate; Northern Samar, northern portion ng Samar province at northern portion ng Eastern Samar