-- Advertisements --

ILOILO CITY – Inaabangan na ang showdown ng grand rally sa Iloilo ng dalawang mahigpit na magkatunggali sa pagka-presidente .

Tutungo sa Guimbal, Iloilo si former Sen. Ferdinand “Bong Bong” Marcos Jr. kasama ang ka-tandem na si vice presidential candidate Mayor Sara duterte Carpio sa 4.8-hectare port and football field sa nasabing bayan.

Inaasahan na hindi bababa sa 150,000 supporters ng UniTeam ang pupunta sa event na binansagang “Miting de Avance Sama-sama Tungo sa Tagumpay.”

Kung maaalala, ang rally ng Uniteam sa Guimbal noong Pebrero 24 ay hindi natuloy dahil sa kontrobersiya sa paggamit ng school property bilang venue ngunit nasa 15,000 supporters naman ang dumalo sa BBM-Sara rally sa bayan ng Barotac Nuevo sa pareho ring araw.

Samantala, gaganapin naman ang grand rally na binansagang “Grand Pasalamat nina Vice President Leni Robredo kasami si Sen Kiko Pangilinan sa public plaza ng La Paz District sa Iloilo City.

Huling bumisita sina Robredo at Pangilinan sa lungsod noong Pebrero 25 kung saan dumalo ang mahigit 40,000 supporters sa kanilang rally sa Iloilo Sports Complex.

Noong 2016, nilampaso ni Robredo si marcos sa vice presidential race sa Iloilo City at Iloilo province kung saan nasa 600,000 ang kalamangan ni Robredo.