-- Advertisements --

Nagsagawa ng palitan ng mga bihag ang Russia at Ukraine.

Aabot sa 218 na mga detainees kabilang ang 108 na mga babaeng Ukraine ang tampok sa itinuturing na pinakamalaking prisoners swap.

Ayon kay Andriy Yermak ang namumuno sa president staff ng Ukraine na mayroong 12 sibilyan na mga kababaihan ang napakawalan.
Ito rin ang unang kumpeletong babaeng pakikipagpalitan .

Idinagdag pa dito ang 37 na mga babae na nagtatrabaho sa Azovstal steelworks na sinakop ng Russia.

Dagdag naman ng interior ministry ng Ukraine na ang ibang mga babae ay nakakulong pa sa Russia noong 2019 na hinuli ng mga pro-Moscow authorities.

Papalayain din ng Ukraine ang nasa 80 sibilyan na marino at 30 military personnel ayon na rin sa napagkasunduan.