-- Advertisements --

Binigyang linaw ni British Foreign Secretary David Cameron na ang pag-atake ng US at United Nations laban sa mga Houthi military targets ay resulta ng makailang beses nilang pagbabala.

Napuno aniya na ang US at UK maging ang kaalayadong bansa dahil sa walang humpay na pag-atake na nadadamay pati ang mga inosenteng sibilyan.

Ang strikes nila noong Sabado ay suportado ng maraming mga bansa gaya ng Australia, Bahrain, Canada, Denmark, the Netherlands at New Zealand.
Sa nasabing strikes ay tinamaan nila ang 30 Houthi targets sa 13 lugar sa Yemen.

Tiniyak naman ng Houthi na sila ay gaganti sa ginawa na ito ng UK at US.