-- Advertisements --
Nagbabala ang United Kingdom (UK) sa mga datin nilang military pilots dahil sa ginagawang recruitment ng China.
Naniniwala ang UK Ministry of Defence (MoD) na mayroon nasa 30 mga dating piloto nila ang nagbibigay ng pagsasanay sa China.
HInihikayat nila ang mga ito ng malaking pera at para turuan ang mga Chinese pilots.
Nagsasagawa na ang kanilang gobyerno para mapigilan ang ginagawang ito ng China.
Mahaharap sa Official Secrets Act ang mga kasalukuyan at dating personnel nila na papayag sa alok ng China.
Plano naman ni Britain’s Minister of State for the Armed Forces James Heappey na palitan ang batas na nagpapataw ng mabigat na kaparusahan kapag ipinasa nila ang kanilang kaalaman sa China.