-- Advertisements --

Inaasahang mas makikilala pa ang Pilipinas at ang kultura nito sa sa pamamagitan ng ube bilang next trendy food element sa Europa.

Ito ay kasunod ng isinagawang first-ever Ube Fiesta ” sa Steyler Missionare, St. Augustin, sa North Rhine Westphalia sa Germany.

Inorganisa ito ng Philippine Consulate General in Frankfurt at ng Filipino Catholic Community in the Archdiocese of Cologne.

Ayon kay Bombo International Correspondent Aimee Andaya Hilger direkta sa Germany, higit 500 mga Pinoy mula sa Germany, Netherlands, at Belgium ang dumalo sa nasabing fiesta.

Tampok ang iba’t ibang ube delicacy na ibinida ng ube food vendors, bakers, at enthusiasts.

Maliban sa ube food interpretations, Filipino dishes, at drinks na-enjoy rin ng fiesta-goers ang cultural presentations.

Inaasahan ng mga Pinoy sa nasabing lugar na magiging annual ang nasabing fiesta para sa mga ube-lovers at upang ma-promote ang awarenesss sa ube bilang sustainable, healthy, organic, versatile at next-trend product mula sa Pilipinas.