-- Advertisements --

Nagpahayag na ng labis na pag-aalala si Barbie Imperial para sa pamilya nito sa Bicol na hindi pa rin daw nito nakokontak matapos manalasa ang Bagyong Rolly.

Sa post ng 22-year-old actress, nakiisa na rin ito sa trending hastag na #NoticeCatanduanes at #NasaanAngCatanduanes kalakip ang umiiyak na emoji.

Ayon kay Barbie o Barbara Concina Imperial sa tunay na buhay, wala pa rin siyang natatanggap na sagot sa mga mensaheng ipinadala nito sa kanyang pamilya sa Catanduanes.

Kasabay nito ay nanawagan na rin siya ng dasal para sa mga kababayang Bicolano na labis na sinalanta ng noo’y Super Typhoon Rolly.

Barbie today na lang

Base sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) , nai-deploy na ang mga team na magbabalik na mga nasirang linya ng komunikasyon.

Sa paunang pagtaya ng NDRRMC, “four out of 10 houses” sa Catanduanes ang matinding napinsala.

Barbie Imperial 2
“Much needed break 😌”

Samantala, nabatid na saglit na nagpahinga ang young actress nitong rainy weekend kung saan seksing seksi ito sa kanyang kulay blue bikini habang nasa beach sa Dasol, Pangasinan.