-- Advertisements --
Inianunsyo ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na siya ring spokesman ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases na may Technical Working Group (TWG) na magsasagawa ng kaukulang sa ipinaiiral na community quarantine sa Luzon.
Sinabi ni Sec. Nograles, pangungunahan ng Department of Health (DOH) ang TWG na siyang bubuo ng parameters o pamantayan kung kinakailangan pang magpatuloy o mapalawig ang community quarantine.
Ayon kay Sec. Nograles, pagkatapos na maisapinal ng TWG ang assessment ay agad itong ipiprisinta sa IATF.
Sa ngayon ay masyado pang maaga umano para sabihing kailangang palawigin o hindi na ang community quarantine dahil kailangang mapag-aralang mabuti.