-- Advertisements --

Personal na dadaluhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglulunsad ng bagong P1,000 polymer banknotes.

Ito ang kauna-unahang modern bank notes sa Pilipinas na hindi na tao, kundi national animal ang nakalagay.

Isasagawa ito sa Malacanang sa kabila ng naunang kontrobersyal na pagkakamali sa spelling ng Philippine Eagle sa pre-design ng nasabing pera.

Una na itong nilinaw ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at sinabing ang napansing mali ay sample lamang na subject for review at hindi pa ang final design.

Kasama sa features ng bagong P1,000 bill ay ang Philippine Eagle na una nang napaulat na papalit sa World War 2 heroes na sina Jose Abad Santos, Vicente Lim at Josefa Llanes Escoda.

Sinabi naman ng BSP na hindi made-demonetize ang lumang P1,000 bills dahil sabay naman itong iikot sa merkado, kasama ang bagong disenyong salapi.