-- Advertisements --

Naghain ng not guilty plea ang abogado ni dating US President Donald Trump sa 37 kasong kinakaharap niya.

Una rito ay inaresto ng mga deputy US marshals ang dating pangulo pagdating nito sa Miami federal court.

Ang nasabing paghain ng not guilty plea ay inaasahan na ng mga otoridad.

Kasama ring naaresto ang aide ni Trump na si Walt Nauta na siyang kasabwat niya sa pagtatago ng mga sensitibong dokumento.

Inaasahan na matapos ang paghahain ng not guilty plea ay babalik agad ang dating pangulo sa kaniyang resort sa Florida.

Nagpatupad naman ng paghihigpit ang mga otoridad sa paligid ng Miami courthouse matapos ang pagtungo doon ng mga supporters ng dating pangulo.