-- Advertisements --

Pormal na hiniling ni dating US President Donald Trump sa US Supreme Court na baligtarin ang desisyon ng korte suprema sa Colorado.

Naglabas kasi kamakailan ang Colorado Supreme Court na nagtatanggal kay Trump sa 2024 balota.

Ayon sa abogado ni Trump na hindi makatarungan ang nasabing desisyon ng Korte Suprema sa Colorado.

Makakaapekto aniya ito sa federal criminal case laban sa dating pangulo.

Si Trump ang sinasabing pangunahing pambato sa pagkapangulo ng Repbulicans.