-- Advertisements --

Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Tropical Storm Queenie (Surigae), batay sa latest bulletin update ng weather state bureau nitong Huwebes, Setyemre 23.

Namataan ang sentro ng Queenie 1,310 km East ng Northern Luzon, taglay ang lakas ng hanging 75 km/h at pagbugsong hanggang 90 km/h. Kumikilos ito West Northwestward sa bilis na 35 km/h.

Sa kasalukuyan, walang Tropical Cyclone Wind Signal na nakataas sa anumang bahagi ng bansa. Gayunman, maaaring makaranas ng malalakas na bugso ng hangin ang Batanes, Babuyan Islands, at Ilocos Norte ngayong araw.

Inaasahang magdadala rin ang Queenie ng mga pag-ulan na may kasamang pagkulog-pagkidlat sa Batanes at Babuyan Islands simula Sabado, Setyembre 26.