-- Advertisements --

ILOILO CITY – Patay ang trisikad driver matapos nasagaan ng motorsiklo sa Brgy. 7, Tigbauan, Iloilo.

Ang biktima ay kinilalang si Anselmo Tumagan ng Brgy. Buyu-an, Tigbauan, Iloilo samantala ang driver naman ng motorsiklo ay kinilalang si Reymark Ganancial, nautical student ng Brgy. San Antonio, Nueva Valencia, Guimaras.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Staff Sgt. Alfie Alcones, imbestigador ng Tigbauan Municipal Police Station, sinabi nito na tumatawid sa kalsada si Tumagan ng mangyari ang aksidente.

Ayon kay Alcones, papunta sa lamay ng kanyang kaibigan si Tumagan at galing naman sa boarding house sa Brgy. San Rafael at patungong Poblacion sa bayan ng Tigbauan si Ganancial upang bumili ng ulam.

Inihayag ni Alcones na head injury ang dahilan ng pagkamatay si Tumagan at nagtamo rin ng galos sa ulo at katawan ang driver ng motorsiklo.