-- Advertisements --

Nakalabas na sa Philippine area of responsibility (PAR) ang tropical storm Tonyo.

Ayon sa ulat ni Pagasa forecaster Aldczar Aurelio, huling namataan ang bagyo sa layong 675 km kanluran ng Calapan City, Oriental Mindoro.

May taglay itong lakas ng hangin na 65 kph at may pagbugsong 80 kph.

Kumikilos ang TS Tonyo nang pakanluran sa bilis na 30 kph.

Samantala, patuloy naman ang paglapit sa bansa ng isa pang bagyong pinangalanang “Ulysses.”

Huli itong namataan sa layong 605 km sa silangan ng Borongan City, Eastern Samar.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 55 kph at may pagbugsong 70 kph.

Inaasahang kikilos ito patungo sa Bicol region sa mga susunod na araw.