Nagsagawa ng fund-raising campaign si Tonga’s Olympic flagbearer Pita Taufatofua para sa mga kababayan nitong naapektuhan ng pagsabog ng bulkan na nagdulot ng tsunami.
Ayon sa GoFundMe na mayroon ng mahigit $300,000 ang nalilikom nitong donasyon mula sa mga tumulong sa iba’t-ibang p anig ng mundo.
Sa kaniyang social media account, sinabi ni Taufatofua na nalulungkot ito dahil sa marami sa kaniyang kababayan ang nawalan ng tirahan.
Dagdag pa ng 38-anyos na atleta na kasalukuyan itong nasa Australia na sumasailalim sa pagsasanay ng mangyari ng pagsabog ng bulkan sa Tonga.
Sinabi ni ongan Prime Minster Siaosi Sovaleni na naging malawak ang epekto ng pagsabog ng bulkan kung saan naapektuhan ang nasa 170 isla ng bansa at mahigit 100,000 katao ang nawalan ng tirahan.
Si Taufatofua ay kumatawan ng Tonga sa taekwondo noong 2016 Rio Olympics at cross-country skiing naman noong 2018 PyeongChang Winter Olympics.
Naging viral ito noong opening ceremony ng 2016 Olympics ng pumarada ito hawak ang bandila ng Tonga na walang damit pang-itaas at pinahiran pa ng langis ang katawan habang nakasuot ng tradisyunal na damit ng nasabing bansa at kahit sa South Korea na malamig ang klima ay ginawa rin niya ito.
Noong 2020 Tokyo Olympics naman ay pumarada rin itong walang damit pang-itaas kasama naman ang co-flag bearer na si Malia Maile Paseka na lumaban sa taekwondo.
Nagsanay din ito sa sprint Kayaking noong 2020 Tokyo Olympics pero hindi siya na-qualified.
Nakagawa rin ito ng record sa kasaysayan dahil siya lamang ang unang tao na sumali sa tatlong magkakasunod na Olympic Games.