Epektibo sa Huwebes, Hunyo 15 asahan ng mga motorista ang pagtaas ng singil sa toll fees sa mga dumadaan sa North Luzon Expressway (NLEX).
Ito ay kasunod na rin ng pagpapatupad ng NLEX Corp na siyang nanangangasiwa sa naturang highway ng taas-singil sa toll rate na inaprubahan ng Toll Regulatory Board.
Nasa karagdagang P7 ang sisingilin sa open system habang nasa karagdagang P0.36 naman kada kilometro ang sisingilin sa closed system.
Sa ilalim ng bagong toll fee matrix, ang Class 1 vehicle ay kailangang magbayag ng karagdagang P7 at P17 para sa Class 2 vehicles habang P19 naman para sa Class 3 vehicles.
Saklaw sa open system ang mga lungsod sa Metro Manila kabilang ang Navotas, Valenzuela, at Caloocan patungong Marilao, Bulacan habang sakop naman ng closed system ang portion sa pagitan ng Bocaue, Bulacan at Sta. Ines, Mabalacat City, Pampanga, kabilang ang Subic-Tipo.
Ang mga motorista na babiyahe sa NLEX sa pagitan ng Metro Manila at Mabalacat city ay magbabayad ng karagdagang P33 para sa Class 1, P81 para sa Class 2 at P98 para sa mga Class 3 vehicles..
Nilinaw naman ng NLEX na patuloy pa rin na kikilalanin nito ang diskwento at rebate na ibinibigay para sa public utility jeepneys sa.
Ang bagong rates ay bahagi ng authorized NLEX periodic adjustments due noong 2012, 2014, 2018 at 2020.