-- Advertisements --
ILOILO CITY – Patuloy pa na pinaghahanap ng mga pulis ang magkakapatid na bumaril sa magtiyuhin sa Barangay Bacay, Dumangas, Iloilo.
Ang namatay ay si Gilbert Doloritos, 38 at ang pamangkin naman nito ay si Jory Castor,22 na ginagamot sa ospital.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Master Sergeant Kim John Banzon, imbestigador ng Dumangas Municipal Police Station, sinabi nito na habang papalakad ang mga biktima sa People’s village, bigla na lang silang tinambangan ng magkakapatid na suspek na sina Dexter, Jojo at Bongbong De Asis.
Ayon kay Banzon, may alitan na ang mga dalawang panig bago pa man ang insidente.
Nagtamo naman ng tatlong sugat sa likod si Gilbert at sugat sa likod naman ang tinamo ni Jory.