-- Advertisements --
Kabang hero dog
Team Kabang

Pumanaw na ang tinaguriang hero dog na si Kabang.

Ayon sa tagapag-alaga nito na hindi na ito nagising sa pagkakatulog nitong Lunes sa tinitirahan nila sa Barangay Pasonanca, Zamboanga City.

Sinabi ni Lim na nakipaglaro pa ito ng ala-4 ng hapon at ng papakainin niya ng ala-siyete ng gabi ay hindi ito nagising sa pagkakatulong.

May edad na 13 ang nasabing aso o katumbas ng 91 sa edad ng tao.

Nakilala ang nasabing aso ng iligtas niya ang dalawang batang babae sa muntikan nilang pagkakasagasa ng motorsiklo mahigit 10 taon na ang nakakalipas.

Dahil sa pangyayari ay naputol ang malaking bunganga ng aso.

Mula noon ay marami ang nag-ambagan para ma-operahan ang tinaguriang hero dog.

Si Dr. Lim na isang beterinaryo ang siyang nag-alaga na rin kay Kabang mula ng pumanaw na ang may-ari nito noong 2015.