-- Advertisements --
Walang balak si Gilas Pilipinas head coach Tim Cone na palitanang ipinapatupad nitong triangle offense.
Ito ay dahil sa batikos ng maraming mga fans na luma na ang nasabing sistima.
Dagdag pa nito na kahit dekada na niya itong ipinapatupad ay tanggap na rin niya ang mga puna at batikos ukol sa nasabing sistema.
Giit nito na magiging katawa-tawa lamang siya kung ang ituturo niya ay ang sistema na hindi niya kabisado.
Sa mga nababasa niyang mga puna ay kaniya itong pinag-aaralan kung ano ang mga maaring pagbabago na kanilang ipapatupad.
Magpapatuloy pa rin itong gampanan ang trabaho ng tama para tuluyang mangibabaw ang Gilas Pilipinas sa mga torneo.