-- Advertisements --

Ipinag-utos ni Thailand Prime Minister Prayut Chan-o-cha sa mga otoridad ang mahigpit na pagbili ng mga baril ganun din ang pag-aresto sa mga gumagamit ng iligal na droga.

Kasunod ito sa naganap na mass shooting sa isang daycare na ikinasawi ng 36 katao na binubuo ng 24 bata sa bayan ng Uthai Sawan kung saan nagpakamatay din ang suspek na isang dating pulis na nahaharap sa kasong iligal na droga.

Ayon sa Thai Prime Minister na dapat magsagawa ang mga otoridad ng malawakang paghahanap ganun din ang pagsasailalim sa drug test sa mga opisyal at komunidad.

Inatasan din nito ang ang mga government registrar na ipawalang bisa ang mga gun licenses sa mga may-ari na mayroon ng reklamong pagbabanta sa communidad.

Plano din ng mga otoridad na bawiin ang mga baril ng mga opisyal at kapulisan na ginamit sa hindi tamang paraan ang kanilang mga baril.