Nasa red notice na ng International Crime Police Organization o Interpol si dating Negros Oriental Representative Arnie Teves.
Ayon kay Justice Secretary Jesus Remulla na ang kahalintulad ng red notiee ang isang International Warrant of Arrest.
Lahat aniya ng mga miyembrong bansa ay padadalhan ng impormasyon kung saan dapat na arestuhin si Teves dahil sa kasong kinakaharap nito sa Pilipinas.
May ugnayan na rin ang Department of Justice at National Bureau of Investigation sa paraan ng pag-aresto kay Teves.
Tintiyak niya na hindi na mabibigyan ng political asylum si Teves dahil nakausap niya ang ilang mga opisyal ng Timor Leste kung saan nagtatago ang dating mambabatas.
Una ng kinansela ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pasaporte ni Teves.