-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Arestado ang isang taxi driver dahil sa hinihinalang panggagahasa nito sa isang dalaga sa San Carlos Heights, Irisan, Baguio City kagabi.

Nakilala itong si Manuel De Leon Arbela, 34-anyos, binata at residente ng nabanggit na lugar habang ang biktima ay 21-anyos na service crew.

Batay sa report, sumakay ang biktima sa taxi ng suspek at magpapahatid sana ito sa isang bar.

Gayunpaman, iginiit ng driver na punta na lamang sila sa kanyang bahay.

Natuklasan sa imbestigasyon na dito pinagsamantalahan ng suspek ang biktima.