Mahigit 6,300 kilograms ng iba’t ibang relief goods mula sa gobyerno ng Taiwan ang dumating kahapon sa Cebu, Bohol, at Negros Oriental para sa mga sinalanta ng Bagyong Odette.
Lulan ang mga relief goods na ito ng Taiwan C-130 Aircraft, na dumating sa Brigadier General Benito N. Ebuen Air Base in Lapu-Lapu City kahapon.
Tinanggap ng Philippine Air Force (PAF), sa pamamagitan ng Air Mobility Command at iba pang PAF units, katuwang ang Taipei at Manila Economic and Cultural Office at ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Region 7.
Ngayong araw ng Linggo na nang matanggap ng SWD Field Office VII ang mga relief goods sa pamamagitan nang isinagawang ceremonial turn-over sa Mactan-Benito Ebuan Air Base.
Kabilang sa mga donated items ng Taiwan ay mga tents, water filters, food rations, tubig, canned tuna, instant noodles, at mga cookies, ayon sa DSWD.










