Ibinasura ng Taguig court ang motion for reconsideration na inihain ng modelong si Deniece Cornejo laban sa dating court order na naggagawad ng bail plea sa Comedian host na si Vhong Navarro.
Sa inisyung court order ngayong araw, inihayag ni Judge Loralie Cruz Datahan ng Taguig Regional Trial Court, Branch 69, na walang pag-sang-ayon mula sa public prosecutor nang maghain ng kaniyang motion for reconsideration si Cornejo.
Ipinunto ng Regional Trial Court ang Rules of Court at desisyon ng Korte Suprema na kailangang usigin ang criminal actions sa ilalim ng direksiyon at kontrol ng public prosecutor.
Kayat dahil sa kabiguang masunod ang naturang patakaran, ibinasura ng RTC ang mosyon na inihain ni Cornejo dahil sa kawalan ng merito.
Matatandaan, pinalaya si Navarro mula sa Taguig jail noong Disymebre 6, 2022 matapos makapag-piyansa ng P1 million kapalit ng kaniyang kalayaan.