-- Advertisements --
ILOILO CITY – Sumama na ang Sweden sa ibang mga bansa sa Europa na nagpalayas sa mga Russian diplomats dahil sa pang-eespiya.
Ayon kay Bombo International Correspondent Fatima Sutinen direkta sa Sweden, tatlong mga diplomats na mula sa Russian ang kanilang pinalayas dahil sa pagsasagawa ng illegal intelligence-gathering operations.
Bago ang Sweden, nauna na rin ang Italy, Spain, France, Belgium at the Netherlands sa pagpapaa;lis sa mga Russian diplomats na sangkot sa spying activity.
Anya, buo ang suporta ng Sweden sa Ukraine at kinokondena ang pang-aatake na ginagawa ng Russia.
Bukas rin anya ang Sweden para sa mga Ukrainian refugees.