-- Advertisements --
Iginiit ni suspended Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairperson Teofilo Guadiz na malabo talagang makahingi ng pera sa mga transport group kapalit ng kanilang mga prankisa.
Sinabi nito na ang pag-aprbubag ng mga transakyon ay ginagawa ng iba’t-ibang ahensiya at hindi lamang siya.
Pinasalamatan naman ni Guadiz ang mga mambabatas dahil sa naniniwala ang mga ito na wala itong ginawang masama.
Pinag-aaralan din ng kanilang abogado kung sasampahan ng kaso ang mga nag-akusa sa kaniya na tumatanggap ito ng pera para sa maaprubahan ang prankisa ng ilang transport group.