Gamit ang video link mula sa presinto ay muling humarap sa Christchurch High Court ngayong araw ang 28-anyos na suspek sa naganap na pamamaril sa dalawang mosque sa Christchurch, New Zealand na ikinamatay ng 50 katao.

Ayon kay Justice Cameron Mander, isasailalim umano si Brenton Tarrant sa isang pagsusuri para malaman kung nasa tama ba itong katinuan upang magsilbing witness para sa kanyang sarili.

Kasalukuyang, humaharap ngayon ang suspek sa 50 murder charges at 39 attempted murder charges.

Dagdag pa nito, hindi kinakailangan maghain ni Tarrant ng plea.

Hindi naman nagkomento si Tarrant dito at patuloy lang siyang nakikinig sa sinasabi ni Judge Mander.

Muli namang haharap sa hukuman si Tarrant sa June 14.