
Hawak na ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang suspek sa naitalang kaso ng indiscriminate firing incident sa Mamburao, Occidental Mindoro noong New Year.
Sinabi ni PNP Public Information Office chief Police Colonel Red Maranan ang sangkot sa indiscriminate firing ay isang sibilyan base sa kanilang monitoring.
Ang naturang indibidwal daw ay nagpaputok sa kanyang bakuran at naitawag naman ng kanyang mga kapitbahay kaya agad itong nirespondehan ng mga pulis.
Sinabi ni Maranan na patuloy pa ring kumakalap ang pambansang pulisya ng impormasyon kapag mayroon pang mga kaso ng indiscriminate firing incidents.
Tiniyak naman ng Philippine National Police na naka-full alert status pa rin ang mga ito hanggang Enero 6 para siguruhin ang kaligtasan ng publiko.
Ibig sabihin nitong 85 percent ng mga personnep ng Philippine National Police o nasa 190,000 ng mga ito ay nasa patrol duty.
Una nang sinabi ni PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr. na nasa 192,000 Philippine National Police personnel ang ide-deploy sa mga tinatawag na places of convergence kung saan inaasahang tutungo ang karamihan para sa Christmas at New Year celebrations.










